Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na agarang ipamahagi ang P10,000 cash gift sa mga kwalipikado at benepisyaryong senior citizen sa ilalim ng Expanded Centenarian Act.
Ito ayon kay Communications Usec. Claire Castro ay nakaraang makarating sa pangulo ang reklamo ng ilang senior na hindi la nila natatanggap ang cash gift na itinatakda ng batas.
“Ito po ay nakarating sa Pangulo at kailangan po talaga maibigay kung ano ang benepisyo na dapat ibigay sa ating mga elderly lalung-lalo na iyong mga senior citizens dahil iyan naman po ay talagang kailangang maipaabot sa kanila nang mas mabilis at sa mabilis na pamamaraan,” —Castro.
Magkakaroon aniya ng pulong kung saan pagpapaliwanagin ng Anti-Red Tape Authority ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) kaugnay sa mga reklamong natanggap ng tanggapan.
“Naka-schedule ang clarificatory meeting sa August 28, 2026 sa pagitan po ng ARTA, NCSC at mga concerned local government unit at pati po iyong mga nagrereklamo na ating mga senior citizen,” —Castro.
Batay sa NCSC, sa ilalim ng Expanded Centenarians Act (Republic Act 11982), lahat ng mga Pilipino, nakatira man sa Pilipinas o abroad, sa oras na tumungtong na sa edad na 100 taon, makatatanggap na ng cash gift na P100,000 ang mga ito, kalakip ng sulat ng papuri mula sa Pangulo ng Pilipinas na bumabati sa SC sa kaniyang mahabang buhay. Lahat ng mga Pilipino, nakatira man sa Pilipinas o abroad, kapag umabot na sa edad na 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap naman ng P10,000.