Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabilisang pagkumpuni sa mga nasirang imprastraktura sa bansa upang agad na matugunan ang matinding suliranin sa pagbaha, kabilang ang patuloy na declogging, desilting, at dredging operations.
Sa isang press briefing sa Malacañang, ipinahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na bukod sa mga pangkagipitang hakbang na ito, actsyunal na ring pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagtatayo ng limang dam sa kahabaan ng Sabo River sa Nueva Ecija bilang isa sa mga pangkalahatan at pangmatagalang solusyon laban sa baha.
“Patuloy din ang pagmomonitor sa mga ito upang masiguro ang tibay at bisa ng mga proyekto. Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang pagtatayo ng limang dam sa Sabo River sa Nueva Ecija bilang isa sa mga long-term solutions kontra baha,” ayon kay Castro.
Bukod sa mga iminungkahing dam, isinusulong din ng pamahalaan ang pagtatayo ng isang 100-kilometer dike na inaasahang magmumula at aabot hanggang sa bayan ng Pilar, Bataan.
Inaasahan na ang naturang malakihang proyekto sa dike ay magiging pangunahing depensa upang harangan at resolbahin ang pag-apaw ng tubig na nagmumula sa Manila Bay, na siyang madalas na nagdudulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar sa Gitnang Luzon at mga kalapit na lalawigan.