Para sa mas mabilis na pag-uulat ng mga insidente o emergency, inilunsad sa Quezon City ang LyfSaver, na isang community-powered at AI-assisted disaster information platform na naglalayong palakasin ang paghahanda at pagtugon ng lungsod sa anumang sakuna.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang opisyal na pagpapakilala sa application, kasama sina Yes Pinoy Foundation Founder Dingdong Dantes, FYT Media Co-founder Atom Araullo, Lyf Solutions Co-founder Voltaire Tupaz, at mga department head ng lungsod.
Sa pamamagitan ng pag log-in sa https://app.lyfsaver.ph, maire-report agad ang anumang emergency o pangyayari sa inyong lugar, gaya ng baha, banggaan, sunog, lindol, at disaster response.
Sa pakikipagtulungan naman sa LGU, ikokonekta ang mga ulat mula sa mga residente sa kasalukuyang disaster response systems ng lungsod, kabilang ang Helpline 122 at iReport.
Ayon kay Mayor Belmonte, mahalaga ang pakikilahok ng bawat QCitizen sa pagbuo ng disaster-ready na komunidad.
Bilang bahagi ng LyfSaver Roadshow: QC Laging Ready, sumailalim din sa hands-on learning ang mga barangay official, volunteers, responders, at city employees para palakasin pa ang disaster response.
📸 QC LGU

