Tuloy-tuloy ang pag-iikot sa iba’t ibang rehiyon ng DENR Express, na inisyatiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mas mailapit ang environmental permitting at regulatory services sa mga komunidad.
Sa pamamagitan ng mobile service hubs, kabilang sa mga serbisyong maaaring ma-access ang environmental permit processing, technical assistance, document validation, at gabay sa mga compliance requirements, gayundin ang ilang on-the-spot services at payments.
Ide-deploy ang DENR Express sa Negros Island at Cagayan Valley sa Agosto 27 hanggang 28.
Sinimulang ilunsad ang programa noong Abril na layong mabawasan ang oras, gastos at abala ng mga aplikante sa pagproseso ng kanilang mga dokumento, partikular ang maliliit na negosyo, local government units at mga komunidad.