Naipresenta na sa plenaryo ng senado ang Senate Bill 2426 o panukalang Comprehensive School Safety Act na layong palakasin ang proteksyon sa mga estudyante at guro laban sa karahasan sa paaralan.
Sa ilalim ng panukala, bubuo ng National Comprehensive School Safety Framework na nakatuon sa prevention, response at recovery. Kabilang dito ang safety training, emergency protocols, regular drills, psychosocial support at localized School Safety Plans.
Iminumungkahi rin ang pagpapalakas ng seguridad, kabilang ang metal detectors, CCTV at mandatory bag checking, batay sa risk assessment.
Itinataguyod ng panukala ang pagtutulungan ng paaralan, pamilya, barangay, LGU, law enforcement at health professionals.
Nanawagan si Aquino sa Kongreso na agad ipasa ang panukala.
Aniya, kailangang kumilos na ngayon bago pa magkaroon ng panibagong trahedya. | ulat ni Nimfa Asuncion