Naligtas ng National Bureau of Investigation ang limang vietnamese na biktima umano ng sexual exploitation at human trafficking mula sa kapwa din nila Vietnames sa Pasay City.
Sa naging operasyon ng NBI-Human Trafficking Division nakatanggap sila ng tip na may isang Vietnamese national na nagbubugaw ng nga babae na nirerecruit pa nito mula Vietnam.Ilan sa nga ito ay minor de edad at dinadala sa Maynila.
Ang siste kokontakin sa isang massaging app ang suspek at dito na mag-aalok. Sa pamamagitan naman ng isang under cover agent nahuli ang suspek sa isang hotel sa Pasay City at naligtas naman ang kasama nitong 2 vietnamese national na isang namamahala umano sa messaging app at isa naman na biktima ng sexual exploitaition.
Natunton din ng NBI ang condominium kung saan nananatili ang tatlo pang biktima at may nasabat pang hinihinalang shabu sa loob ng unit.
Kasamahan naman ng NBI ang Pasay Social Welfare and Development Department upang sumaklolo sa mga biktima.
Pinuri naman ni NBI Director Melvin Matibag ang mabilis na aksyon ng kanilang mga tauhan upang labanan ang trafficking kahit pa ang sangkot ay mga dayuhan.