Inalis ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng mga magulang kaugnay sa gamutan sa Leptospirosis.
Ilan kasing magulang ang nagdalawang-isip na dalin sa hospital ang kanilang kamag-anak matapos lumusong sa baha at nakitaan ng sintomas ng Leptospirosis tulad ng lagnat.
Ayon kay DOH Secretary Edwin Mercado kahit sa private hospital dalin ang pasyente ay kaya itong ma-cover ng PhilHealth.
Itinaas na kasi sa ₱60,000 ang benefits package para sa moderate cases ng Leptospirosis habang ₱400,000 naman para sa severe Leptospirosis.
Una nang sinabi ng DOH na mataas ang mortality rate kapag hindi naagapan ang Leptospirosis.