Walang nakuhang direktang ebidensiya o verified communication ang Muntinlupa City Police sa naging banta sa seguridad sa San Beda University Alabang Campus nang magkansela ng klase ang nasabing paaralan kahapon dahil sa security threat.
Ayon sa Muntinlupa City Police na batay sa kanilang imbestigasyon ay wala sila umang nakuhang mga verified information at ebidensya sa nasabing insidente.
Dagdag pa ng Muntinlupa Police na precautionary measures lamang ang isinagawang paghihigpit ng seguridad ng San Beda upang maging handa lamang ang paaralan sa nasabing banta.
Samantala balik normal na ang klase ng San Beda alabang ngayong araw matapos ang nasabing security threat. | ulat ni Aj Ignacio