Nanawagan si Executive Secretary Ralph Recto sa mga nasa Local Government Unit na gamitin din ang natatanggap nilang pondo sa national government sa iba pang kaukulan kabilang na ang may kinalaman sa solid waste management.
Ayon kay Recto, maiging mapaglaanan din ng mga nasa LGU mula sa natatanggap nilang National Tax Allotment at Local Government Support Fund ang may kinalaman sa solid waste management o sa maayos na pamamahala ng basura.
Hinikayat din ni Recto ang mga nasa lokal na pamahalaan na mapondohan din ng natatanggap nilang NTA at LGSF ang para sa climate adaptation at disaster preparedness gayung mas mabuti na aniya ang prevention kaysa sa rehabilitasyon.
Sa ilalim ng 2027 proposed National Tax Allotment, aabot ito sa ₱1.4 trillion na 11% na may dagdag sa kasalukuyang taon.
Ang LGSF ay may dagdag din para sa susunod na taon na mula sa ₱57 billion ngayong taon ay dinagdagan na ito sa ₱58.53 billion.