Naniniwala ang Malacañang na walang magiging epekto sa informant’s confidentiality ang umanoy plano ngayong baguhing polisiya sa paggamit ng Confidential at Intelligence Funds.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may mandato ang Commission on Audit na hindi ilantad ang mga pagkakakilanlan ng mga taong maaari nilang maimbestigahan.
Nakapaloob ani Castro sa Joint Memorandum Circular 2015-01 na hindi naman ilalantad ang pagkakakilanlan ng sinomang informant.
Pagbibigay diin ni Castro, mayroon ding nakapaloob sa probisyon na ang mga supporting documents ay ilalagay sa sealed envelope at ilalagay sa vault ng ahensiya.
Ilalabas lang aniya ang dokumento sa sandaling magkaroon ng kuwestiyon ang Intelligence and Confidential Funds Audit Office.