Simula pa kaninang alas-6 ng umaga, mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang nararanasan sa Quezon City.
Sa Philcoa, pahirapan ang ilang commuter, karamihan ay mga manggagawa, sa pagsakay dahil sa masamang panahon.
Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila.
Ayon naman sa Quezon City Localized Weather Outlook, makulimlim na panahon na may posibilidad ng malalakas na pag-ulan ang inaasahan sa lungsod hanggang mamayang gabi.
Posible rin ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat anumang oras.