Kinumpirma mismo ni Senator Risa Hontiveros na pumayag na ang social media company na Meta na ibahagi sa Pilipinas at sa mga otoridad nito ang user data ng Facebook user na makikitaan ng senyales nang anumang banta ng karahasan o akto ng pag-atake.
Naselyuhan ang nasabing kasunduan kasunod ng isinagawang pagpupulong ng ilang opisyal ng Pilipinas sa Singapore kasama ang Meta officials and executives, kaugnay na rin ng problema sa pagkalat ng mararahas na content at mga pagbabanta online.
Ayon sa Senator, isang positibong development ang nasabing kasunduan dahil mas madali na ang identification ng mga otoridad sa mga posibleng magsagawa ng ano mang pag-atake na na-monitor online kaya naman tiyak na mas mabilis na rin itong mare-respondehan.
Importante ayon kay Sen. Risa na maiparating nang bansa ang mensahe sa Meta, na hindi nila maaaring pagkakitaan na lang ang Pilipinas at mga Pilipino nang wala silang pananagutan dahil sa mga nilalaman ng kanilang online platform.
Panghahawakang mabuti ng bawat Pilipino ang naging commitment na ito ng Meta upang mapigilan na ang anumang akto ng karahasan gamit ang online platforms tulad ng Facebook.