Target ng Philippine National Police o PNP na makabili ng 10,000 hanggang 20,000 AI-enabled body cameras para mapalakas ang police operations at pagdodokumento ng mga insidente.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remilla, nasa 2,000 lamang ang kasalukuyang body cameras ng PNP para sa mahigit 300,000 pulis.
Bukod sa kakulangan sa bilang, mababa na rin umano ang resolution ng mga naunang body cameras na ginagamit ng kanilang mga tauhan.
Sinabi ni Remulla na obsolete na rin ang ilan sa mga lumang unit kaya kinakailangan itong palitan at dagdagan.
Target ng PNP na gumamit ng AI-enabled body cameras na may mas mataas na resolution at mas advanced na capabilities para sa police operations at digital evidence.
Bahagi ito ng pagpapalakas sa kagamitan at kakayahan ng PNP para mas maging mabilis at episyente ang pagtugon ng mga pulis sa mga insidente. | ulat ni Kathleen Forbes