Namatay dahil sa leptospirosis sa Maynila, muling nadagdagan
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay dahil sa leptospirosis sa lungsod ng Maynila.
Batay sa datos ng Manila LGU as of August 28, 2026, dalawa ang nadagdag sa mga namatay dahil sa nasabing sakit.
Sa ngayon, umaabot na sa 23 ang namatay sa lungsod dahil sa leptospirosis mula January 1 hanggang sa kasalukuyan.
Samantala, isa naman ang nadagdag na namatay dahil sa dengue. Dahil dito, umakyat na sa 10 ang pumanaw dahil sa nasabing sakit mula January 1 hanggang sa kasalukuyan.