Inihayag ni Act Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na susuportahan niya ang panukalang tuition increase kapalit ng regularisasyon ng mga guro sa State Universities and Colleges (SUCs).
Ito ang inihayag ni Tinio sa ginanap na budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa Commission on Higher Education (CHED).
Base sa datos, nasa mahigit 20,000 guro sa mga pampublikong unibersidad sa buong bansa ang nananatiling nakatali sa “job order” at “contract of service” status sa kabila ng ilang taong pagtuturo.
Iniharap ni Tinio ang katanungan kay CHED Chairperson Shirley Agrupis kung ano ang magagawang hakbang upang masolusyonan ang isyu.
Paliwanag ni Agrupis, ang limitadong badyet ng komisyon ang pangunahing dahilan.
Aniya, ang panukalang pagtaas ng matrikula sa SUCs ay makatutulong upang makalikha ng karagdagang plantilla positions at matakpan ang kakulangan sa pondo ng kolehiyo.
Pumabor naman si Tinio sa panukalang pagtataas ng tuition kapalit ng paglikha ng regular na item para sa mga guro, ngunit nilinaw na hindi dapat ito maging pasanin ng mag-aaral bagkus sagot ng subsidiya ng gobyerno.