Padadalhan ng subpoena para pagpaliwanagin ang tatay ng Grade 9 student na namaril sa Ateneo de Zamboanga University noong August 18.
Ang ama, na customs police, kasi ang rehistradong may-ari ng baril na ginamit sa pamamaril ng kanyang anak.
Kaugnay niyan, kinumpirma ni Department of Justice Undersecretary Ian Norman Dato na natanggap na ng Office of the City Prosecutor ng Zamboanga City ang reklamo para sa reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.
Dalawa ang namatay sa naturang shooting incident, kabilang ang Grade 9 student na gunman at isang Grade 10 student na kanyang binaril.