Pinag-iingat ngayon ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente na isinailalim sa ORANGE Rainfall Warning ng PAGASA.
Partikular na rito ayon sa OCD ang mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, Bataan, Pampanga, at Bulacan.
Dahil dito, pinaghahanda ng OCD ang mga nakatira sa mga nabanggit na lugar sa posibilidad ng landslide at flash flood.
Sa ilalim kasi ng ORANGE Rainfalll Warning, asahan na ang nasa 100 hanggang 200 milimetrong dami ng ulan.
Habang umiiral naman ang YELLOW Rainfall Warning sa mga lugar ng Ilocos Sur, Abra, Pangasinan, Pampanga, at Tarlac. Gayundin sa Nueva Ecija, Metro Manila, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro at Antique.