Screenshot
Tinabla ng Office of the Ombudsman ang pahayag ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na dapat nang ibasura ang kaso laban sa kanya kasunod ng pag-recant ng ilang testigo sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Sa isang pahayag, iginiit ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na hindi awtomatikong nabubura ng pag-atras o recantation ng mga testigo ang kanilang mga naunang testimonya.
Sa halip, itinuturing pa itong karagdagang ebidensya ng Ombudsman na kailangang suriin kasama ng orihinal na mga pahayag para matukoy kung alin sa dalawang bersyon ang totoo.
Kaugnay nito, kinuwestyon din ng Ombudsman ang mga ulat na may ilang testigong nagtago matapos bawiin ang kanilang mga pahayag at may mga binayaran umano upang mag-recant.
Giit ng Ombudsman, hindi dapat lituhin ang publiko sa tunay na kahulugan ng recantation.