Photo courtesy | UNICEF
Mahigit 17,000 kabataan sa Nepal nangangailangan ng agarang humanitarian assistance dahil sa epekto ng flash flood at landslide.
Ito ang pinagbigay alam ni UNICEF Representative sa Nepal, Alice Akunga.
Ayon sa UNICEF Representative, ang mga kabataang nakaligtas ngunit nawalan ng mga mahal sa buhay at tirahan ay nahaharap sa mga sakit, malnutrition, karahasan at exploitation.
Bagama’t nagbibigay ng suporta ang UNICEF sa Nepal, nanawagan din si Akunga ng 17.2 milyong dolyar na tulong pinansyal upang maipagpatuloy ang pagtulong ng UNICEF sa mga naapektuhan ng kalamidad lalo na sa mga bata.
Samantala, kaugnay pa din sa epekto ng flash flood at landslide, umabot na sa mahigit 359 ang nasawi habang 900 ang kasalukuyan pa ring nawawala sa Nepal.
Hindi naman bababa sa 558 ang patuloy na hinahanap at tatlo ang kumpirmadong namatay sa kalapit na rehiyon na Tibet.
Ayon sa mga awtoridad sa Nepal, 465 ang naulat na nakaligtas mula sa naging pagragasa ng tubig at lupa.
Hindi tumitigil ang mga rescuers sa Nepal at Tibet na paghahanap sa mga maaaring nakaligtas sa nasabing kalamidad na ayon US Geological Survey ay dulot ng glacial collapse na maaari pa ring magdulot ng biglaang pagbaha.