Tuloy-tuloy pa rin ang intervention ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng mga sunod-sunod na bagyo at Enhanced Southwest Monsoon o habagat.
Kabilang dito ang ₱609.79 milyong halaga ng agricultural inputs gaya ng binhi ng palay, mais at gulay, at iba pang planting materials.
Nakapaglabas na rin ang National Food Authority ng 9,260 sako ng palay-milled rice para sa mga apektadong LGU sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon at MIMAROPA.
Samantala, nasa ₱35.67 million ang indemnification ang nailaan din para sa 5,005 insured farmers at fisherfolk.
Patuloy din ang koordinasyon ng DA Regional Field Offices sa mga LGU at iba pang ahensya, kabilang ang pagmomobilisa ng logistical support at KADIWA trucks para sa transportasyon ng agricultural commodities at assistance.
Sa ulat ng DA-DRRMD, umabot na sa ₱2.32 billion ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa walong rehiyon kung saan apektado rin ang nasa 69,615 magsasaka at mangingisda.
