Aabot sa 12 Show Cause Order (SCO) ang inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ikinasa nitong field operations laban sa mga PUV operators na may iba’t ibang paglabag.
Sa isinagawamg operasyon sa EDSA Busway Carousel at sa rutang Cubao–Rodriguez UV Express, nag-deploy ang LTFRB ng ilang mystery riders at enforcement personnel.
Sa EDSA Busway, anim na SCOs ang inisyu laban sa mga operator na lumabag sa itinakdang oras ng paghinto sa mga istasyon.
Samantala, anim na SCOs rin ang inilabas laban sa mga operator ng Cubao–Rodriguez UV Express dahil sa paggamit ng mga sasakyang hindi maayos ang kondisyon, kabilang ang mga unit na may hindi gumaganang air-conditioning system.
Ayon sa LTFRB, patuloy nitong paiigtingin ang monitoring at enforcement sa mga lansangan para matiyak ang ligtas, maayos at maaasahang serbisyo ng mga pampublikong sasakyan sa mga commuter.
📸 LTFRB


