Nananatiling committed ang Marcos Administration sa pagpapaigting ng pension system para sa military at uniformed personnel (MUP) ng bansa.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, mayroong partikular na inter-agency group na nakatutok para sa pag-aaral sa mga usapin kaugnay dito, upang makalikha ng rekomendasyon para sa isang balanse at sustainable na sistema para sa MUP pension system.
“Sa ngayon ay ongoing pa ang pag-aaral. Sa ilalim ng Executive Order Number 107, Series of 2025, ang naatasang mag-aaral at magsasagawa ng komprehensibong pagsusuri o reporma sa military and uniformed personnel pension system ay ang binuong inter-agency na binubuo ng mga kinatawan ng DBM, DOF, BTR (Bureau of Treasury), and GSIS.” —Castro
Tungkulin din aniya ng nasabing inter-agency na magsagawa ng malalim na pag-aaral upang matiyak na magiging balanse at makatarungan ang sistema ng pension.
Gayundin ang pagrekomenda ng mga kaukulang hakbang o panukalang batas para sa reporma.
Una na ring inaatasan ang lahat ng ahensiya ng MUP na magbigay nang buong suportang teknikal at administratibo sa nasabing technical group para sa pag-aaral na ito.
“The Marcos administration proposes a PhP142.95 billion allocation for MUP pensions under the 2027 National Expenditure Program (NEP). The amount is 6.8 percent above the P133.91 billion in the 2026 General Appropriations Act.” —PCO