Photo courtesy of President Ferdinand R. Marcos Jr. Facebook
Nagluluksa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkamatay ng kanyang Aide-de-Camp na si Major Joshua Santiago.
Sa Facebook post ng Punong Ehekutibo ay inilarawan niya si Major Santiago bilang isang matapang na sundalo na lumaban para sa bansa ng buong dedikasyon at dangal.
Sa panahon aniyang kasa-kasama niya ito bilang kanyang Aide-de-Camp ay kanyang nakilala kung gaano ito katapang bilang isang matapang na kawal, isang opisyal na maaasahan, at higit sa lahat, isang mabuting tao.
Kasama aniya niya ang kanyang buong pamilya sa pananalangin para sa pamilya ni Major Santiago at sa mga kapwa niya sundalo.
Mensahe ng Pangulo sa kanyang Aide-de-Camp na tinawag niyang Jam, isang malaking karangalan na nakasama niya ito at nasa kanyang tabi.