Tuloy-tuloy ang isinasagawang Disaster Response Operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) partikular na sa mga lugar na matinding naapektuhan ng masmaang panahong dala ng Habagat.
Partikular na nagpadala ng tauhan ang AFP sa mga lalawigan ng Tarlac, Pampanga at Bataan na nakaranas ng matinding pagbaha.
Bukod sa Search and Rescue Operations, naghatid din ng Family Food Packs ang mga Sundalo sa mga apektadong lugar sa Central Luzon.
Habang PNP ay nagbigay ng Libreng Sakay sa mga stranded na komyuter, nagbigay din ng tulong at tiniyak ang seguridad sa mga evacuation center.
Mahigpit naman ang ugnayan sa pagitan ng AFP at PNP sa mga Lokal na Pamahalaan at Disaster Response Agencies para tiyakin ang mabilis na pagtugon sa mga lugar na apektado ng Habagat.

