Tiniyak ng Manila Electric Company (MERALCO) na maibabalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente partikular sa mga lugar na matinding naapektuhan ng masamang panahon dulot ng Habagat.
Batay sa datos ng MERALCO, aabot sa 49,000 customer nito ang apektado ng power outage na pawang nasa mga binabahang lugar gaya ng Cavite, Bulacan, at Metro Manila.
Ayon kay MERALCO Vice President at Head of Corporate Communications, Joe Zaldarriaga, walang tigil ang kanilang mga linemen at crew para maibalik agad ang suplay ng kuryente sa kanilang mga apektadong customer.
Nagpaalala ang MERALCO sa lahat na umiwas sa mga naputol at nasirang linya gayundin ng mga pasilidad ng kuryenteng nalubog sa baha.
