Nagpapatuloy ang response operations at pagpapaabot ng tulong ng gobyerno sa mga naapektuhan ng masamang panahon.
Sa programang BOSES, sinabi ni NDRRMC Executive Director at OCD Administrator Undersecretary Harold Cabreros na mahigit ₱1.7 billion na ang naipaabot na tulong sa mga apektadong pamilya.
Samantala, umabot na sa 32 indibidwal ang nasawi, 19 ang nasugatan at tatlo ang nawawala bunsod ng epekto ng Habagat.
Aniya, nasa 8.6 million na indibidwal ang apektado ng masamang panahon habang mahigit 6,000 ang inilikas.
Pumalo naman sa ₱6.1 billion ang pinsala sa mga imprastraktura habang ₱2.3 billion naman sa sektor ng agrikultura.
Mahigit 3,000 kabahayan naman ang napinsala.