Photo courtesy of Kag. Brian Dalilis
Dahil sa epekto ng Habagat, patuloy sa pagbabawas ng tubig ang tatlong major dam sa Luzon.
Sa tala ng Hydrometeorology Division ng PAGASA, as of 8am, kabuuang 15 control gates na ang nakabukas sa mga dam dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.
Isang gate pa rin ang nakabukas sa Ipo Dam na may 0.15 meters opening.
Umakyat naman sa 8 gates ang binuksan ng Ambuklao Dam na nagpapakawala ng 644.24 cms at 6 na gates sa Binga Dam na may discharge na 410.40cms
Samantala, umakyat naman sa 200.20 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.