Photo courtesy of DSWD
Agad kumilos at naghatid ng food assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-NCR sa ilang mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Metro Manila.
Kabilang dito ang mga nabaha sa Valenzuela City kung saan namahagi ang DSWD ng kabuuang 405 Family Food Packs (FFPs) at 405 Ready-to-Eat Food (RTEF) sa mga residente ng Barangay Malanday, Pasolo at Dalandanan.
Binisita rin ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang ilang evacuation centers para tutukan ang relief operations.
Samantala, umabot na sa 16,432 pamilya o 62,171 indibidwal ang kasalukuyang nasa 280 evacuation centers sa Metro Manila dahil sa epekto ng Habagat.
Patuloy rin ang monitoring ng DSWD FO-NCR katuwang ang mga lokal na pamahalaan para matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya at agad na maipaabot ang kinakailangang tulong at resource augmentation.