Umabot sa 20 biyahe ng eroplano ang naapektuhan mula sa narananasang sama ng panahon nitong nagdaang Sabado at Linggo.
Batay sa datos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) karamihan noong Sabado ay nahirapan na lumapag sa mga airport dahil sa hindi malinaw ang visibility sa runway habang noong Linggo naman ay nahirapan din mag-land o disembark dahil naman sa lakas ng hangin.
Sa mga apektadong flights, dalawa ang kanselado, dalawa ang diverted, 12 ang nag-go around o umikot bago magpanding, at apat naman ang missed approach sa paglapag.
Karamihan naman ng flights ay lalapag sa Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport, mayroon ding lima na mula sa international flight.
Samantala, ngayong araw naman wala pang naitatala ang CAAP na apektadong biyahe ng eroplano dulot ng sama ng panahon.