Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pwedeng magtaas ng presyo ng bilihin sa mga lugar na may state of calamity dahil sa pinaiiral na price freeze.
Batay yan sa Republic Act number 7581 o ang Price Act, kung saan otomatiko na hindi pwedeng gumalaw ang presyo ng pangunahing bilihin sa loob ng 60 araw kapag may state of calamity.
Layon nito na maprotektahan ang mga consumer mula sa mataas na preyso ng bilihin sa panahon ng kalamidad o kahit sa mga nanamantala na mga negosyante.
Ang kasama naman sa price freeze na binabantayan ng DTI ay mga delatang sardinas, gatas, kape, noodles, tinapay, at iba pa.
Ang pinakahuling dumagdag naman sa mga lugar na may price freeze ay ang probinsya ng Tarlac na nagdeklara ng state of calamity kahapon, August 30 at ang probinsya ng Pangasinan na nagdeklara rin ng province-wide state of calamity, ngayong araw, August 31.