Nakapagtala ang Manila Health Department ng 33 bagong kaso ng influenza-like illness, 24 na kaso ng dengue at apat na kaso ng leptospirosis ngayong August 31.
Batay sa pinakahuling disease surveillance report, umabot na sa 2,541 ang kabuuang kaso ng dengue sa Maynila mula Enero hanggang Agosto 31, habang 1,203 naman ang influenza-like illness at 556 ang leptospirosis.
Wala namang bagong naitalang kaso ngayong araw ng cholera, typhoid fever, COVID-19 at severe acute respiratory infection.
Mula Enero, nakapagtala na rin ang lungsod ng 87 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 68 kaso ng typhoid fever, 312 kaso ng severe acute respiratory infection at tatlong kaso ng cholera. | ulat ni Lorenz Tanjoco