Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Nananawagan ng pagkakaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang sama-samang isulong ang interest ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Kabilang dito, ayon sa Pangulo, ang pagtuturo sa mga kabataang Pilipino tungkol sa maritime rights ng bansa at paghikayat sa responsableng talakayan ng publiko.
Ang panawagang ito ng Pangulo ay kasabay sa pagkilala sa mga Pilipinong mangingisda, hanay ng Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang mga tanggapan ng gobyerno na nasa frontline ng pagsusulong ng interes ng bansa sa WPS.
Nanawagan din si Pangulong Marcos para sa mas pinaigting na laban kontra disinformation. Kasabay ng pagbibigay ng matibay na suporta sa mga Filipino fisherfolk, na patuloy na nangingisda sa karagatan ng Pilipinas at nagpapatibay sa ugnayan ng bansa sa maritime territory nito.
Binigyang-diin din ng Pangulo, ang pangangailangang mapanatili ang integridad ng mga institusyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng transparency, accountability, at de-kalidad na serbisyo publiko.
“Sapagkat ang tibay ng ating paninindigan bilang bansa ay nagsisimula sa lalim ng ating kaalaman at lakas ng ating pagkakabuklod bilang isang bayan,” ani Pangulo Marcos.