Photo courtesy of DA-PhilRice
Kumikilos ang Department of Agriculture (DA) at Department of Energy (DOE) para protektahan ang mga lupang agrikultural sa gitna ng pagpapalawak ng mga solar project sa bansa.
Iminungkahi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang paglalagay ng geofence sa tinatayang tatlong milyong ektaryang patag na lupang agrikultural, lalo na ang mga pangunahing taniman ng palay.
Layunin nitong matukoy kung aling mga lugar ang dapat manatiling para sa produksyon ng pagkain at alin ang maaaring pagtayuan ng renewable energy projects.
Target ng DA at DOE na makumpleto ang kanilang memorandum of agreement sa Oktubre.
Susuriin din ng mga ahensya ang mga umiiral at na-award nang energy project para maiwasan ang pagkakapatong sa mga prayoridad na lupang agrikultural.