Aabot sa 38 pasahero, truck driver at cargo helper ang na-stranded sa ilang pantalan sa Southern Tagalog dahil sa epekto ng Habagat, ayon sa Philippine Coast Guard o PCG.
Sa monitoring ng PCG mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-kuwatro ng madaling araw ngayong August 31, kabilang sa mga apektadong lugar ang Real, Pola, Looc, San Agustin, Balayan, Anilao, Calatagan at Wawa ports.
Bukod sa mga na-stranded, sampung sasakyang pandagat, 12 tugboat at sampung barge ang sumilong muna dahil sa masamang kondisyon ng panahon at karagatan. | ulat ni Lorenz Tanjoco