Nagpapatuloy pa rin ang pag-aaral sa military and uniformed personnel reform pension system ng Inter-Agency Technical Working Group.
Ito ang inihayag ng Malacañang sa harap ng ginagawa ng pagsusuri ng Budget at Finance Department, Bureau of Treasury, at ng GSIS sa Military and Uniformed Personnel Pension System.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, tungkulin ng nasabing mga ahensya na kasama sa inter-agency na magsagawa nang malalim na pag-aaral upang matiyak na magiging balanse, makatarungan, at fiscally sustainable ang sistema ng pension.
Aalamin nila, ani Castro, sa DBM kung ano ang usad ng ginagawang pagsusuri at malaman kung bakit medyo natagalan para maisumite na sana sa Tanggapan ng Pangulo ang rekomendasyon.
Nais na rin aniya itong aprubahan ni Pangulong Marcos pero kailangan ng masinsinang pag- aaral