Agad nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang pamilyang naapektuhan ng soil erosion sa Puguis, La Trinidad, Benguet.
Kasunod ng assessment ng DSWD Field Office Cordillera Administrative Region (FO-CAR) – SWAD Benguet, nagkaloob ang ahensya ng tig-₱25,000 cash assistance sa tatlong pamilya sa Purok Bektey, Sitio Longlong na labis na napinsala ang tahanan.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya at maipaabot ang angkop na assistance.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak ng ahensya ang patuloy na pagtugon sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong dahil sa mga insidente at kalamidad.
📸 DSWD

