Maaari nang gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang 20% Development Fund para sa mga proyektong tutugon sa epekto ng energy crisis.
Sa bagong guidelines ng Department of the Interior and Local Government, Department of Budget and Management at Department Of Finance, maaaring gamitin ang pondo para sa local oil storage, renewable energy at smart at green grid systems.
Maaari rin itong ilaan sa pagbili ng electric vehicles para sa health services, uniformed services at disaster response.
Kasama rin sa maaaring pondohan ang solar photovoltaic systems at iba pang energy efficiency projects.
Ayon sa joint memorandum circular, layunin nitong tulungan ang LGUs na suportahan ang UPLIFT Framework ng pamahalaan.
Hindi naman maaaring gamitin ang pondo para sa regular na gastusin gaya ng fuel, kuryente, tubig at iba pang pang-araw-araw na gastusin. | ulat ni Rey Ferrer