Inaasahang nasa ₱9.7 bilyong pisong fresh investment ang papasok kasunod ng pagkakalagda sa apat na bagong proclamation na magpapalawak sa economic zones sa Southern Tagalog, Negros Oriental, at Batangas.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, lilikha din ng libo- libong trabaho ang pagkakalagda ng apat na proklamasyon na kung saan, sa Suntrust Ecotown Tanza-Special Economic Zone ay magbubunga ito ng 6,322 na mga trabaho.
Ang expansion naman sa Light Industry & Science Park IV-Special Economic Zone sa Malvar, Batangas ay lilikha ng 1,769 na mga hanapbuhay habang ang expansion ng Robinsons Dumaguete I.T. Park sa Negros Oriental ay sinasabing magdaragdag pa ng 1,500 jobs.
Sinabi ni Recto, ang hakbang na palawakin pa ang pagkakaroon ng economic zones ay paraan para ang negosyo na ang lumapit para sa mga lokal na talento, na magpapasigla sa aktibidad ng lokal na ekonomiya.
Hindi na aniya kinakailangang lumayo pa ng mga manggagawa sa kanilang mga sariling bayan upang maghanap ng trabaho sa mamahalin at siksikang mga sentrong urban.