Gugunitain sa Malacañang ang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF), 30 taon na ang nakararaan o ang1996 Final Peace Agreement na nagwakas sa matagal nang armadong pakikibaka sa Mindanao at nagbigay daan sa pagsusulong ng awtonomiya at pag-unlad sa rehiyon.
Alas-2 ng hapon gagawin ang nasabing aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay na rin ng opening ceremony ng National Peace Consciousness at paggunita din ng 40th Anniversary ng 1986 “Sipat” Mount Data Peace Accord.
Ito ay ang kasunduang pangkapayapaan ng Cory Aquino administration at Cordillera People’s Liberation Army.
Pero bago ang nasabing aktibidad ng Pangulo, pangungunahan muna ng Pangulo ngayong alas-9 ng umaga ang panunumpa ng mga bagong promote na Philippine Coast Guard (PCG) Flag Officers.
Alas-11 naman ay bisita ng Pangulo sa Palasyo ang bagong Ambassador ng Nigeria sa Pilipinas na si His Excellency Ibok- Ete Ekwe.