Aabot sa kabuuang 240,550 illicit vape products na may tinatayang ₱1.539 bilyong tax liability ang winasak ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Isinagawa ang destruction activity noong August 24 sa DIGAMA Waste Management Facility sa Porac, Pampanga.
Kabilang sa mga nasirang produkto ang ilang vape na nasamsam sa operasyon laban sa Tap Fog Philippines, na pinakamalaking single illicit vape enforcement operation ng ahensya.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, hindi nagtatapos sa pagsamsam ang enforcement operations ng ahensya dahil kailangang tuluyang alisin sa merkado ang mga illegal na vape product at panagutin ang mga sangkot sa kanilang iligal na paggawa, pag-aangkat, pamamahagi, at pagbebenta.