US embassy, inalerto ang otoridad ng Pilipinas hinggil sa pagkalat ng pekeng visa at mga dokumento
Inalerto na ng US Embassy ang mga otoridad sa Pilipinas kontra sa paglaganap ng mga pekeng visa at mga dokumento na ginagamit sa visa application.
Kasunod ito ng pagkakaaresto ng US Embassy sa isang aplikante matapos itong magpresenta ng pekeng dokumento.
Giit ng US Embassy na oras na may madiskubre silang pekeng dokumento sa alinmang bansa ay agad nila itong ipinaaalam sa local authorities upang agad na maaksiyunan.
Paalala pa ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas na ang paggamit ng mga pekeng dokumento ay magreresulta sa lifetime ban sa pagpasok sa Estados Unidos.