Patuloy ang panawagan ng Quezon City Health Department sa publiko na umiwas sa paglusong sa baha at maruming tubig kapag umuulan.
Kasunod ito ng pagsipa ng kaso ng Leptospirosis sa lungsod na nadagdagan ng 201 kaso sa loob lang ng dalawang linggo, mula August 14-27, 2026.
Batay sa pinakahuling two-week surveillance comparison, halos anim na beses na mas mataas ito kumpara sa 35 cases na naitala noong nakaraang dalawang linggo o katumbas ng 474.29% na pagtaas sa bilang ng mga kaso.
Tumaas din ang daily average cases mula tatlo (3) kada araw sa nakaraang surveillance period patungong 14 na kaso kada araw sa kasalukuyang dalawang linggo.
Dahil dito, patuloy na pinapaalalahanan ang mga residente na agad magpakonsulta sa doktor kung lumusong sa baha o nakararanas ng sintomas ng sakit para maresetahan ng Doxycycline.