Marikina Rescue 161 Teams, ipinadala sa Pampanga para tumulong sa mga apektado ng pagbaha sa lugar
Ipinadala ng Marikina City Government sa San Simon, Pampanga ang isang team mula sa Marikina Rescue 161.
Ito ay para tumulong at umalalay sa nagpapatuloy na relief at response operations sa lugar dulot ng baha.
Bukod sa mga ambulansya, nagdala rin ng mga bangka ang ipinadalang team para agad na makatugon.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, bahagi ito ng kanilang pasasalamat sa tulong na kanilang natanggap.
Lalo na aniya sa panahong nangangailangan ng tulong ang Marikina sa panahon ng matinding pangangailangan.