Photo courtesy of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na nagpadala ang ahensya ng L-shaped barriers at mobile pumps sa NLEX-San Simon sa Pampanga.
Sa pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Torre na layon nitong mapabilis ang paglabas ng tubig sa nasabing highway matapos magdulot ng matinding trapiko sa mga motorista.
Nananatili pa ring binabaha ang ilang lugar dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Habagat nitong nakaraang weekend.
Samantala, ayon pa kay Torre, sinasamantala ng MMDA ang magandang panahon upang linisin muli ang mga daluyan ng tubig, dahil naiipon ang mga basura matapos ang pagbaha.
Bukod dito, ininspeksyon din ng ahensya ang mahigit 70 water pumping station nito upang matiyak na maayos ang kondisyon ng mga ito.