Nagpaalala ang University of the Philippines (UP) Diliman sa mga estudyante, guro at kawani nito na magsuot ng well-fitting face mask, lalo na kapag bumibiyahe o nasa labas.
Naglabas ng abiso ang unibersidad dahil sa mababang kalidad ng hangin dulot ng haze mula sa mga wildfire sa Indonesia.
Ayon sa Office of the Chancellor, inaasahang magpapatuloy ang mababang air quality sa Quezon City at National Capital Region sa mga susunod na araw.
Pinapayuhan din ang mga may pre-existing respiratory o cardiovascular conditions na bawasan ang outdoor activities at matinding physical activities.
Hinimok ng UP Diliman ang komunidad na regular na subaybayan ang Air Quality Index (AQI) at local news para sa mga update sa kondisyon ng hangin.
Ang health precaution ay mananatili habang nagpapatuloy ang poor air conditions.