Inialok ng Social Security System (SSS) ang Conso Loan Program para sa mga miyembrong may past due na short-term loans.
Sa ilalim ng programa, maaaring pagsamahin ang mga past due SSS short-term loans sa isang loan account, na may mga opsyon sa pagbabayad batay sa itinakdang terms at kondisyon ng programa.
Kabilang sa mga benepisyo ang full penalty condonation kapag nakumpleto ang pagbabayad sa consolidated loan.
Wala ring service fee para sa programa, habang may flexible payment terms para sa mga kwalipikadong borrower.
Layunin ng SSS Conso Loan na matulungan ang mga miyembrong ayusin ang kanilang past due loans at maibalik ang kanilang good loan standing sa ahensya.
Hinihikayat naman ng SSS ang mga interesadong miyembro na alamin ang eligibility requirements, application process, payment terms at iba pang polisiya bago mag-apply.
Para sa buong detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng SSS at hanapin ang SSS Conso Loan Program.