Sasampahan na ng kaso ang menor de edad na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong Hunyo.
Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, four counts ng frustrated murder at anim na bilang ng attempted murder ang ihahain laban sa 15-anyos na Child in Conflict with the Law (CICL).
Ayon kay Dato, nakita ng prosekusyon na alam ng estudyante ang kaniyang ginawa nang mamaril ito sa San Jose National High School at kasabwat ang kapwa menor de edad.
Dalawang mag-aaral ang nasawi habang mahigit 20 ang napaulat na sugatan sa school shooting noong June 22.
Dahil dito, ihahain na ang mga kaso laban sa 15-anyos na estudyante sa Tacloban City Regional Trial Court.
P72,000 naman ang inirekomendang piyansa sa bawat bilang ng frustrated murder habang P36,000 naman sa bawat bilang ng attempted murder na kinakaharap nito.