Magtiwala sa kakayahan at sa Diyos—ito ang mensahe ni 2026 Bar Examinations Chairperson at Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan para sa mga kukuha ng Bar Examinations ngayong September.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan, batid aniya ang nasa isip at hirap na pinagdadaanan ng mga ito, kung kaya’t ipinaalala ang kanilang pagiging “sapat.”
Tulad ng sapat na panahong iginugol, pagsisikap na ibinuhos at pagbibigay ng lahat ng makakaya para sa pagkuha ng pagsusulit.
Aniya, huwag silang panghinaan at magpatalo sa agam-agam, alinlangan, takot o pangamba.
Samantala, tiniyak ni Gaerlan na patas, ligtas at walang bahid na dungis ang integridad ng pagsusulit.
Isasagawa ang 2026 Bar Examinations sa darating na September 6, 9 at 13, kung saan higit 13,000 law graduates ang inaasahang kukuha ng eksaminasyon.