Nakatakdang basahan ng sakdal ngayong araw si Senador Jinggoy Estrada sa graft at plunder cases na kinakaharap nito sa Sandiganbayan Fifth Division.
Ayon sa kanyang kampo, personal na haharap si Estrada sa arraignment.
Matatandaang bago ang arraignment, pinayagan ng Sandiganbayan na alisin si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused ni Estrada.
Sa pahayag ni Estrada, iginagalang niya ang desisyon ng korte ngunit pag-aaralan at gagamitin ng kanyang legal team ang mga remedyo na nakalaan sa ilalim ng batas.
Sa arraignment, pormal na babasahin sa akusado ang mga kasong isinampa laban sa kanya bago siya hingan ng “plea” kung “guilty” o “not guilty.”