Inaanyayahan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makiisa sa isasagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Huwebes ng susunod na linggo, September 10.
Tampok dito ang scenario sakaling tumama ang Magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila, Central Luzon, at CALABARZON.
Isasagawa ang ceremonial pressing of the button ganap na alas-4 ng hapon na lalahukan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, LGUs, uniformed services, at mga organisasyon
Ito’y para subukin ang kanilang koordinasyon sa search and rescue, mass casualty management, logistics, at communication response.
Sinabi ng OCD na mahalagang isinasagawa nang regular ang earthquake drill, pagsunod sa Building Code, at mas matibay na koordinasyon upang palakasin ang kahandaan ng bansa laban sa malalakas na lindol.